Martes, Pebrero 25, 2014

Indie Editorial:

Ngayong ika 28 anibersaryo ng Edsa 1 panahon na siguro upang tunay na magkaayos na ang mga nagkaalitan na mga pangunahing pamilya na naging bahagi ng kaganapang ito.Nang sa gayon ay magkaroon ng unting unting pagbabago sa sistemang pulitikal sa ating bansa.

Sa tingin ko maiging pagtuunan na ng pansin ang makabagong hamon sa ating panahon. Sa paglipas ng panahon ang dating kulay dilaw na simbulo ng demokrasya, pagkakaisa at kalayaan ay unti-unti napapalitan ng pangamba.Dahil ang mga taong dilaw na naninirahan sa bandang tuktok ng ating bansa ay unti-unting sinusubukan ang itinanim na kamalayan ni Rizal ,Bonifacio at Ninoy sa ating lahi.

Ilang beses na ba tayong ginipit ng ng mga Intsik mula ng gumanda ang kanilang ekonomiya? Ang natutulog na Dragon anumang oras ay gustong bugahan ng apoy ang ating Agila. Sana di maulit sa atin ang nangyari noong WW2.Dahil kung mangyayari ito .....ngayon pa lang dapat matutunan na natin ang kage bunshin no jutsu.